Baliwag Tourism Office, naglabas ng listahan ng mga simbahan na maaaring bisitahin ngayong Holy Week
Angelo Calixtro March 27, 2026 at 06:44 PM
BALIWAG, Bulacan — Naglabas ng listahan ang Baliwag Tourism Office ng mga simbahan na maaaring bisitahin ng mga mananampalataya para sa Visita Iglesia ngayong Holy Week.
Kabilang sa mga inirerekomendang puntahan ang Diocesan Shrine and Parish of St. Augustine, Our Lady of Mt. Carmel Parish Church, at Sagrada Familia Parish Church na kilala sa kanilang makasaysayan at espiritwal na kahalagahan sa bayan.
Ayon naman sa Baliwag Public Information Office, pinapaalalahanan ang publiko na panatilihin ang kaligtasan at taimtim na panalangin sa pagsasagawa ng Visita Iglesia.
Hinihikayat din ang mga deboto na gawing pagkakataon ang bawat paglalakbay upang mapalalim ang pananampalataya at ugnayan sa Panginoong Diyos ngayong Semana Santa.
📷 Sagrada Familia Parish Church FB