Barangay Barihan, wagi sa Fire Olympics 2026 sa Lungsod ng Malolos
Angelo Calixtro March 26, 2026 at 04:12 PM
LUNGSOD NG MALOLOS — Ipinamalas ng iba’t ibang barangay sa Malolos ang kanilang husay, bilis, at kahandaan sa pagresponde sa sunog sa ginanap na Fire Olympics 2026 noong ika-25 ng Marso sa City of Malolos Amphitheater, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month.
Pinangunahan ang aktibidad ng Bureau of Fire Protection katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Pamahalaang Lungsod. Sa pagbubukas ng programa, malugod na tinanggap ni FCInsp. Arvin Mamagun, City Fire Marshal ng Malolos City Fire Station, ang mga kalahok at panauhin.
Lumahok sa kompetisyon ang mga barangay ng Sumapang Matanda, Anilao, Mambog, Santisima Trinidad, Liang, Longos, Guinhawa, Catmon, Look 1st, Atlag, Sumapang Bata, Caingin, Pinagbakahan, Bulihan, Caniogan, Bangkal, San Juan, Mojon, Barihan, at Bungahan.
Nagtagisan ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya tulad ng bucket relay, hose laying and busted hose connection, rescue and transfer relay, at flammable liquid fire extinguishment, pati na rin sa espesyal na parangal gaya ng Best Muse at Best Uniform.
Sa huli, itinanghal ang Barangay Barihan bilang overall champion ng Fire Olympics 2026. 1st runner-up naman ang Barangay Sumapang Matanda at 2nd runner-up ang Barangay Guinhawa.
📷 Malolos City Information Office FB