Barangay ng Baliwag at Plaridel nanguna sa Barangay Environmental Compliance Audit
Mon Lazaro September 30, 2023 at 03:22 PMLUNGSOD NG MALOLOS — Ang mga barangay ng Pinagbarilan sa Lungsod ng Baliwag at Bulihan sa bayan ng Plaridel ang nanguna sa isinagawang Barangay Environmental Compliance Audit (BECA) sa lalawigan ng Bulacan.
Ang nasabing dalawang barangay ay nakasungkit ng tig-P30,000 gantimpala at muling isasailalim sa pagtatasa ng Regional Assessment Committee.
Samantala,pumangalawa ang Barangay Caypian sa Lunsod ng San Jose del Monte sa city category habangpumangalawa angPoblacion sa Pulilan at pumangatlo ang Pansumaloc sa San Rafael sa municipal category.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Provincial Director Myrvi Apostol Fabia, isinusulong ng kagawaran ang pagsasagawa nito upang mapalawak ang aktibong pamamahala ng mga barangay sa implementasyon ng Solid Waste Management (SWM).
Sa pamamagitan aniya ng naturang pagtatasa ay nakikita ang mga gampanin at mga isinusulong na inisyatibo ng mga opisyales ng barangay sa pagtutok sa wastong pangangasiwa ng mga basura.
Ilan rito ay ang pagkakaroon ng functional na Barangay SWM Committee, pagkakaroon at pagpapatupad ng SWM Action Plan o Program at ng mga ordinansa na “No Segregation No Collection,” “No Littering, No Dumping, at Open Burning,” gayundin ang pagkakaroon at napakikinabangang Material Recovery Facility, at iba pa.
Ang Provincial Assessment Committee ngBECAsa Bulacan ay binubuo ng DILG, Department of Environment and Natural Resources- Provincial Environment and Natural Resources Office,Bulacan Environment and Natural Resources Office, Philippine Information Agency, at kinatawan mula sa civil society organization.
Photo: Bulacan Environment and Natural Resources Office