Bocaue Councilor Alvin Cotaco, inihalal bilang opisyal ng National Movement of Young Legislators – Bulacan
Mike Manalaysay September 11, 2022 at 02:03 PM
Napili bilang Board of Director ng National Movement of Young Legislators – Bulacan chapter ang beteranong konsehal ng Bocaue na si Councilor Alvin Cotaco.

Malugod na tinanggap at nagpasalamat si Konsehal Cotaco sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga kapwa mambabatas sa NMYL.
Nangako rin ang number 1 councilor ng Bocaue na pagbubutihin niya ang pagganap sa responsibilidad na ibinigay sa kanya.

Apat na termino nang naninilbihan si Konsehal Cotaco sa Sangguniang Bayan ng Bocaue. Una siyang naging konsehal noong 2013 bilang kinatawan ng kabataan o Sangguniang Kabataan Federation President. Noong halalan ng 2016 at 2019 naman, nakakuha siya ng pinakamaraming boto bilang konsehal.
Bilang number 1 councilor, nailuklok siyang Vice Mayor ng Bocaue, alinsunod sa batas ng succession, nang mamayapa si Mayor Joni Villanueva-Tugna noong 2020.
Sa lokal na eleksyon ngayong taon, muling binigyan si Konsehal Alvin Cotaco ng pinakamaraming boto ng mga Bocaueño.
Ang National Movement of Young Legislators (NMYL) ay grupo ng mga local lawmakers sa bansa na kinabibilangan ng mga konsehal, vice mayor, provincial board member at vice governor. Itinatag ito sa panahon ni Pangulong Cory Aquino bilang bahagi ng kanyang “youth development agenda.”
Photo: Alvin Cotaco Fb