Bocaue Police nakakumpiska ng baril at iligal na droga; 4 arestado
Mon Lazaro May 19, 2025 at 07:32 AM
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Apat na indibidwal ang naaresto sa isinagawang operasyon kontra droga sa Basin Market, Barangay Batia, Bocaue, nitong Linggo, Mayo 18.
Ayon kay Col. Franklin Estoro, direktor ng Bulacan Police, pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga suspek. Nakumpiska mula sa kanila ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱54,400; isang kalibre .38 na revolver na may tatlong bala; isang asul na belt bag; at ang buy-bust money.



Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Article II, Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunition) kaugnay ng Omnibus Election Code (gun ban).
📷 Bulacan Police Provincial Office