Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones bagong police director ng Gitnang Luzon
Mon Lazaro June 24, 2025 at 08:28 PM
CAMP OLIVAS, Pampanga — Pinangunahan ni Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Deputy Chief PNP for Administration, ang pormal na turn-over of command ceremony ng Police Regional Office 3 (PRO3) nitong Hunyo 23, kung saan itinalaga si Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr. na bagong regional police director ng Gitnang Luzon bilang kahalili ni Brig. Jean Fajardo.
Dumalo sa nasabing okasyon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at law enforcement, kabilang sina Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., mga opisyal mula sa LGUs, at mga Regional Directors ng NAPOLCOM at PDEA, bilang suporta sa makasaysayang pagpapalit ng pamumuno.
Sa kanyang talumpati, inilahad ni Gen. Peñones ang malinaw na direktiba sa buong hanay ng PRO3.
“We must remain on our toes 24/7. Our goal is a 5-minute response time, available at all times. All commanders must be accessible, anytime, anywhere. We strive to serve and protect with urgency because public service does not wait.”
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at tiwala sa hanay ng pulisya.
“We must build a strong police force based on trust and camaraderie. We need each other. We must act as one, move as one, and protect each other with the same dedication we show the people we serve.”
“We must embrace innovation, ensure transparency, and continuously update our mindsets. Integrity is non-negotiable. Always do what is right—and when in doubt, seek guidance from a Higher Power,” paliwanag pa niya.
📷 📹 Mon Lazaro