| Contact Us

Budget Forum para sa Region 3 Association of Local Budget Officers ginanap sa Bulacan

Mon Lazaro June 19, 2023 at 10:56 PM

LUNSOD NG MALOLOS –Nagsagawa ang Department of Budget and Management (DBM) ng Budget Forum para sa Association of Local Budget Officers ng Gitnang Luzon sa Bulacan State University e-Library Amphitheater sa lungsod na ito nitong araw ng Lunes.

Naging panauhing pandangal sa nasabing okasyon si Kalihim Amenah Pangandaman ng DBM.

Layunin ng nasabing forum na matulungan ang mga local budget officers para maituro ang tamang pagpaplano, procurement, implementation at closure ng mga proyekto.

Ayon kay Pangandaman na ngayong 2023 ay naglaan ang DBM ng budget sa Bulacan para sa mga infrastructure, health, education, agriculture at social cash assistance.

Ayon pa sa kalihim, para sa taong 2024 naman ay tuloy pa rin ang free tution fee na ilalaan ng DBM para sa mga State at Local Universities.

Kaugnay naman ng nasabing forum ay sinabi ng DBM secretary na sa mga susunod na araw ay ilulunsad pa nila ang mga regional approach programs para maging mas focus ang intervention ng ahensya sa mga local budget officers gaya ng kapitolyo at mga munisipyo.

Sinabi naman ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa nasabing forum na nakapagsumite na sila sa DBM ng proposal para sa kahilingan ng flood control project na prayoridad ng kapitolyo para makontrol ang pagbaha sa lalawigan.

Sinabi pa ng Gobernador na “Delivering on our commitment of good public service begins with our dedication to sound financial management. Governance begins with well-prepared budgets that meet the needs and challenges of governance. Hindi lamang po ito year after year, but generation to generation.”

Samantala, matapos ang budget forum ay dumalo naman si Pangandaman bilang guest speaker sa graduation sa Bulacan State University.

Ang mga dumalo naman sa nasabing forum na budget officers ay tumuloy sa Greenery Resort sa Lungsod ng Baliwag para sa kanilang tatlong araw na Skills Enhancement Training bilang paghahanda para sa Budget Cycle sa 2024 kabilang ang Budget Preparation, Authorization, Review, Execution, at Accountability; at mgaupdatesa Annual Investment Plan, Annual Procurement Plan, at paghahanda sa Project Procurement Management Plan ng mga lokal na pamahalaan.

Photo: Mon Lazaro

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last