| Contact Us

Bulacan Gob. Daniel Fernando pinarangalang Outstanding Local Chief Executive of the Philippines – Provincial Governor Category for Luzon Island

Mon Lazaro August 16, 2023 at 07:20 PM

LUNGSOD NG MALOLOS — Nasungkit ni Gob. Daniel Fernando ang parangal na “Outstanding Local Chief Executive of the Philippines – Provincial Governor Category for Luzon Island” nitong araw ng Martes, August 15.

Ang nasabing parangal ay ipinagkaloob kay Fernando ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Incorporated (ALSWDOPI) sa isinagawang Gawad Parangal sa SMX Convention Center, Lanang, Lungsod ng Davao kaalinsabay ng 26th National Social Welfare and Development Forum and General Assembly ng asosasyon na may temang “Relevant and Responsive Social Welfare and Development Practices Amidst Political Conflicts and Movements for Social Change.”

Ang Gawad Parangal ay taunang programa ng ALSWDOPI na layong kilalanin ang mga Outstanding Local Chief Executives at Local Social Welfare Development Officers sa kanilang mga pagsisikap at ‘di-matatawarang suporta at kontribusyon sa pagpapalakas ng mga programa at serbisyong pagkalinga at proteksyong panlipunan.

Kinilala rin ng award-giving body ang malakas na political will ni Fernando sa pagpapatupad ng kakayahang panlipunan at kaunlaran ng kanyang nasasakupan.

Samantala, sa ipinalabas na pahayag ng Tanggapan ng Bise Presidente, tinatayang humigit kumulang sa 2,000 social welfare officers ang dumalo sa 26th National Convention and General Assembly ng ALSWDOPI.

Pinuri rin ni Bise Presidente Sara Duterte ang mga social workers sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho at sa “social justice, and for being the foot soldiers for social change.”

Ayon pa sa Bise Presidente, “Sumasaludo po ako sa inyo — kagaya ng pagsaludo ko sa iba pang mga sektor na nagsasakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay para mapagsilbihan ang kapwa Pilipino at matulungan ang mga komunidad na malampasan ang ano mang krisis.”

“Karapat-dapat lang na tingnan at pag-aralan ang inyong buhay at propesyon at pamarisan ang lalim ng pagmamahal ninyo sa inyong kapwa at sa inyong bayan. Gusto ko pong ipaalam sa inyo na mataas ang respeto ko sa inyo at sa inyong ginagawa,” dagdag pa ni Duterte.

Binigyan pansin rin ng Bise Presidente ang mga mahahalagang papel na ginagampanan ng mga social workers sa mga programa ng Office of the Vice President tulad ng Medical and Burial (MAB) Assistance Program, Mag Negosyo Ta ‘Day, at Ang PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign kung saan tumatayong mga frontline providers ang mga ito para makapagserbisyo sa publiko.

Photo: Provincial Government of Bulacan

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 58 Last