Bulacan magpapatupad ng online classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Abril 4-6
Mon Lazaro April 4, 2024 at 02:07 PM
Sa bisa ng Memorandum: DRF – 04032024 – 148 na ipinalabas ni Bulacan Gob. Daniel Fernando, ipapatupad sa buong Lalawigan ng Bulacan ang suspensyon ng lahat ng face-to-face classes simula Abril 4 (Huwebes) hanggang Abril 6 (Sabado).
Ipinag-utos ng Pamahalaang Panlalawigan ang paglipat sa online classes ng lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya.
Ito ay dahil sa inaasahang mas lalo pang pagtaas ng temperatura sa mga susunod na araw.
Matapos ang Abril 6, muling maglalabas ang Pamahalaang Panlalawigan ng direktiba sa panibagong learning modality na ipatutupad.
Pinaaalalahanan ang lahat na magsuot ng preskong kasuotan, lumayo sa direktang sikat ng araw, at palaging uminom ng tubig para makaiwas sa masamang epekto ng matinding init.