Bulacan PDRRMO nagpaalala ng mga dapat gawin ngayong panahon ng tag-ulan
Mon Lazaro June 3, 2023 at 02:53 PMLUNSOD NG MALOLOS — Nagbigay paalala ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Bulacan sa mga residente ng lalawigan ng mga dapat nilang gawin ngayong panahon ng tag-ulan.
Si retired Col. Manuel Lukban Jr., ang hepe ng PDRRMO-Bulacan samantalang si Gob. Daniel Fernando naman ang chairman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng lalawigan.
Ayon kay Lukban, patuloy ang pagpapaalala nila sa paglilinis, lalo na sa mga bagay na naiipunan ng tubig na maaaring maging itlugan ng mga lamok, para makaiwas sa mga sakit tulad ng dengue, chikungunya at malaria. Ang mga sakit na ito ay naipapakalat at naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Sa mga lugar na bahain o low-lying areas naman ay pinag-iingat ang mga residente kapag malakas ang buhos ng ulan na maaaring makapagdulot ng pagbaha sa kanilang mga lugar.
Pinaaalalahanan din ni Lukban ang mga local disaster risk reduction office ng bawat bayan at lungsod sa Bulacan na palaging maging handa sa pagbubukas ng kanilang evacuation sites kung kinakailangan.
Photo: Bulacan Rescue FB