Bulacan PDRRMO: nagsagawa ng basic aquatic safety training
Mon Lazaro October 22, 2023 at 02:31 PMLUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Bulacan ng dalawang araw na basic aquatic safety training para sa 36 kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang mga dumalo sa nasabing pagsasanay ay mula sa iba’t ibang departamento ng Kapitolyo para maihanda ang mga kawani sa anumang sakuna sa mga binabahang lugar.
Kabilang sa pagsasanay ang standard first aid and basic life support training, ang wastong paglangoy at mga dapat gawin habang nasa gitna ng tubig.
Layunin ng programa ang ibayong kaalaman at kahandaan sa mga hindi inaasahang pagkakataon sa gitna ng katubigan partikular sa malubhang pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan.
Photo: Provincial Public Affairs Office FB
Array
Facebook Notice for EU!
You need to login to view and post FB Comments!