| Contact Us

Bulacan tinitimbang ang pangangalaga ng kalikasan at mga malalaking proyekto

Mon Lazaro July 3, 2023 at 10:58 PM

Tinitimbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pangangalaga sa kalikasan kontra basura at dumaraming proyektong imprastraktura sa probinsya.

Sa isinagawang Talakayang Bulakenyo kamakailan sa VIP Lounge sa ikatlong palapag ng Provincial Capitol Building sa Lungsod ng Malolos, iprinisinta ng Provincial Public Affairs Office ng Bulacan ang mga project slides ng ibat-ibang malalaking proyekto sa lalawigan tulad ng New Manila International Airport sa bayan ng Bulakan; ang Northwin Global City ng Megaworld Corporation sa pagitan ng mga bayan ng Bocaue at Marilao; ang Crossroads Estate ng Ayala Lands sa bayan ng Plaridel; ang Megacity sa triboundaries ng mga bayan ng Bocaue, Balagtas, at Pandi; ang mga road networks sa lalawigan; at ang North-South Commuter Railway.

Ang mga proponents ng mga proyektong ito ay pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na isama sa kanilang plano ang solusyon sa mga posibleng maging negatibong epekto ng kanilang large-scale developments sa kalikasan.

Masusi ring binabantayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang mga preparasyon at kahandaan sa pagtugon, ang magiging epekto ng mga gawaing ito sa Inang Kalikasan pati na rin ang posibleng epekto nito sa pangkabuhayan at maibibigay nitong hanapbuhay.

Ipinaliwanag ni Bulacan Environment and Natural Resources Officer Atty. Julius Victor Degala na ang mga opisyales ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel Fernando, League of Municipalities-Bulacan Chapter President Mayor Jonjon Villanueva at ilang mga alkalde ng Bulacan ay nagsadya sa bansang Japan para tingnan ang mga angkop na teknolohiya para sa solid waste management sa nasabing bansa. Layunin nilang tularan at isagawa ang mga ito sa lalawigan ng Bulacan na tutugma sa pagsusulong ng mga big-time infrastructure projects at sa pagprotekta sa Inang Kalikasan.

Ayon pa kay Degala, “Pumunta kami doon para tingnan ang mga magaganda at latest technology ng Japan pagdating sa solid waste management… Huwag na po kayo mabahala at andiyan na po ang available technology at iyan po ang panagot po natin sa napipintong pagtaas ng basura sa hinaharap.”

Sinabi naman ni Bise Gob. Alexis Castro na kaisa ni Gob. Daniel Fernando at mga Bulakenyo na inaabangan ang katuparan ng mga malalaking proyektong ito at ang benepisyong nito sa mga residente ng lalawigan.

Idinagdag pa niya na, “This is the right time to invest in our province. We welcome all the businesses, all the opportunities and the Provincial Government is thrilled because of all the development that’s coming for us.”

Ayon naman kay John Marcial Estacio, ang estate head ng Ayala Land Estates, Inc., tiyak na kabilang ang mga Bulakenyo sa mga mabibigyan nila ng hanapbuhay sa kanilang proyekto sa bayan ng Plaridel.

“Bibigyang-priority po natin na unahin ang pag-aalok ng trabaho sa mga manggagaling sa Bulacan, partikular na sa mga karatig bayan na pagtatayuan ng AyalaLand Crossroads. Siguro ay nasa 40 porsiyento ang ating target,” dagdag pa ni Estacio.

Sinabi naman ni Ma. Kamille Andrea Quiniano, senior sales manager ng Megaworld Corporation na, “We have the vision to really help the improvement of Bulacan as a province as one of the most competitive. It will be our advantage to make use of the talents of Bulakenyos and definitely it’s the main priority of Northwin Global City to employ people from Bulacan from the development up to the time that it is developed already.”

Dumalo rin sa Talakayang Bulakenyo bilang miyembro ng panel sina Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette Constantino, pinuno ng Provincial Planning and Development Office Arlene Pascual, pinuno ng Provincial Legal Office Abgd. Gerard Nelson Manalo, at Abgd. Gerald Biscarra Baro, Chief of Staff ni Castro. Nagsilbi namang moderator si Katrina Anne Bernardo-Balingit, pinuno ng Provincial Public Affairs Office.

Photo: Mon Lazaro

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last