BulSu at 13 unibersidad lumagda ng MOA sa MPTC para sa scholarship program
Mon Lazaro June 27, 2023 at 11:07 PMLumagda kamakailan ang Bulacan State University (BulSu) at labingtatlo pang unibersidad para sa scholarship program ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC).
Bukod sa BulSu, ang 13 unibersidad ay ang University of the Philippines – Diliman, Far Eastern University, Miriam College, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Don Honorio Ventura State University, Polytechnic University of the Philippines – Parañaque, Technological University of the Philippines – Cavite, Cavite State University System, Emilio Aguinaldo College – Cavite, Lyceum of the Philippines University – Cavite, Southern Philippines Institute of Science and Technology, Cordova Public College, at ang Mindanao State University.
Layunin ng programa na mabigyan ng educational assistances ang mga estudyante mula sa low-income households.
Isinulong ng MPTC ang scholarship program para sa academic year 2023-2024 kasama ang kanilang subsidiaries tulad ng NLEX Corporation, MPT South, at Cebu-Cordova Link Expressway Corporation.
Ang MPTC scholarship program ay inilunsad noong taong 2012 kung saan nagbibigay ito ng full tuition, monthly allowance, at financial assistance para sa internship, board review at examination.
Bukod dito, binibigyan ng MPTC ng job opportunities ang mga scholar na makakagraduate.
Photo: Mon Lazaro