Calumpit–Hagonoy Basin Project, ilulunsad para tugunan ang suliranin sa pagbaha
Angelo Calixtro March 5, 2026 at 07:45 PM
CALUMPIT, Bulacan — Personal na dumalo si Calumpit Mayor Lem Faustino sa paglagda ng Memorandum of Agreement para sa Calumpit–Hagonoy Basin Project na ginanap sa Bulacan State University sa lungsod ng Malolos.
Layunin ng proyekto na makabuo ng pangmatagalang solusyon sa problema sa pagbaha sa ilang barangay sa Calumpit na madalas makaranas ng matinding pagbaha, habang isinasaalang-alang ang pangangalaga sa kalikasan at kabuhayan ng mga residente.
Isasakatuparan ang proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan, akademya, mga organisasyon, at mga partner mula sa Netherlands, na kilala sa kanilang makabagong teknolohiya at karanasan sa flood management.
Inaasahan na ang nasabing proyekto ay makatutulong sa pagbuo ng mas matibay at sustainable na solusyon laban sa pagbaha, gayundin sa pagharap sa mga hamon ng pagbabago ng klima sa mga komunidad sa Calumpit at karatig-bayan.
📷 Lem Faustino FB