Career Development Support Program, inilunsad ng San Rafael PESO para sa mga magtatapos ng Grade 12
Angelo Calixtro February 26, 2026 at 07:55 PM
SAN RAFAEL, Bulacan — Pormal nang inilunsad ng Public Employment Service Office (PESO) ang kauna-unahang Career Development Support Program (CDSP), isang inisyatibang naglalayong gabayan ang mga magtatapos na Grade 12 sa paggawa ng matalinong desisyon habang pinaplano ang kanilang landas matapos ang graduation at sa pagbuo ng kanilang mga karera.
Layunin ng CDSP na bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na kaalaman at direksyon kaugnay ng pagpili ng kursong tatahakin, paghahanap ng trabaho, at iba pang oportunidad na makatutulong sa kanilang kinabukasan.
Naging matagumpay ang pagsasakatuparan ng programa sa pamamagitan ng matibay na ugnayan at pakikipagtulungan ng PESO at ng mga punong-guro ng mga kalahok na paaralan. Isinagawa ang programa noong Pebrero 23 sa Carlos F. Gonzales High School at Pebrero 24 sa Lydia D. Villangca Trade School.
Ang CDSP ay bahagi ng patuloy na suporta at pangako ng pamahalaang bayan sa ilalim ng pamumuno nina Municipal Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison Veneracion, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
đź“· Peso San Rafael Bulacan