Ceremonial destruction ng open pipe at ilegal na modified motorcycle mufflers, isinagawa sa Balagtas
Mike Lopez February 7, 2026 at 12:46 PM
BALAGTAS, Bulacan — Isinagawa sa municipal grounds ng Balagtas ang ceremonial destruction ng mga nakumpiskang open pipe at ilegal na modified motorcycle mufflers bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan para sa kaayusan, kaligtasan, at katahimikan sa bayan.
Pinangunahan ni Balagtas Mayor Andy Santiago ang aktibidad na nagpapakita ng mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa laban sa paggamit ng mga ilegal at maingay na motorcycle mufflers na nagdudulot ng abala sa komunidad.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang lokal ng Balagtas ang publiko na sumunod sa umiiral na batas-trapiko at mga lokal na regulasyon upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan.
📷 Mayor Andy “Andrews” Santiago FB