| Contact Us

Councilor Aaron Cataquiz ng San Pedro, Laguna nag-ikot sa kanilang lungsod sa kasagsagan ng bagyong Jolina

Arkipelago News September 8, 2021 at 03:27 PM

Binisita ni San Pedro, Laguna Councilor Aaron Cataquiz ang mga lugar na binabaha sa lungsod ng San Pedro sa kasagsagan ng bagyong Jolina.

Isa sa pangunahing proyekto ng konsehal ang pagtulong na masolusyunan ang pagbabaha sa ilang lugar sa siyudad.

Dinalaw rin ng konsehal ang mga frontliner sa operation center ng San Pedro City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Si Councilor Aaron Cataquiz ang Chairman ng Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro.

Buong araw na naging abala ang mga kawani ng CDRRMO sa pagtulong sa mga mamamayang naapektuhan ng bagyo. Kasama na ang paglikas sa ilang residente na naninirahan sa lugar na tumaas ang tubig.

Mabilis namang nalinis ng mga kawani ng CENRO ang mga nakahambalang na sanga ng puno at iba pang kalat sa kalsada.

“Dahil po sa maagap na paghahanda at pagpaplano ay wala po tayong naitalang casualty o nasawi dahil sa Bagyong Jolina,” ayon pa kay Councilor Cataquiz.

Pinuri at pinasalamatan din ng konsehal ang mga frontliner at kawani ng city government dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho at paglilingkod.

“Isang taos-pusong pagsaludo sa mga frontliners at kawani ng ating Pamahalaang Lungsod na hindi iniinda ang panganib ng lakas ng ulan at hangin makapagserbisyo lang sa ating mga kababayan! Mabuhay po kayong lahat!” Pahayag pa ng konsehal na kilala sa San Pedro sa mabilis na pag-aksyon sa mga problema ng bayan.

Puring-puri naman ng mga residente ng lungsod si Councilor Aaron Cataquiz dahil hindi raw sila pinabayaan ng konsehal kahit kailan. Si Councilor Cataquiz din ang sinasabi nilang pinakamaagap sa pagkilos at pagtulong sa kanila sa panahon ng kalamidad.

Photo courtesy of Councilor Aaron Cataquiz Fb page

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last