CURFEW SA BULACAN
Mike Manalaysay March 28, 2021 at 11:59 AM
Kasama ang lalawigan ng Bulacan sa makakaranas ng curfew simula sa Lunes, March 29 hanggang sa April 4, mula 6 p.m. hanggang 5 a.m. Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama rin sa magkakaraoon ng curfew ang Metro Manila, Laguna, Rizal at Cavite, mga lugar na isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) simula sa March 29. Nagdesisyon ang gobyerno dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nahawa sa COVID-19. Noong March 27, naitala ang 9,595 na karagdagang kaso kaya pumalo sa 118,112 ang kabuuang bilang ng mga apektado ng COVID-19.