DA Region 3 nagsagawa ng orientation at coordination meeting para sa fuel assistance
Mon Lazaro July 18, 2023 at 05:49 PMLUNSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon ng orientation at coordination meeting kamakalawa (Hulyo 13) sa bagong Conference Hall ng tanggapan nito.
Layunin ng oryentasyon ang talakayin ang mga approved guidelines para sa maayos na implementasyon ng fuel assistance para sa mga benepisyaryong magsasaka.
Kasama rito ang pagbibigay ng one-time fuel assistance sa mga kwalipikadong magsasaka na apektado ng presyo ng krudo sa merkado.
Nagkaroon rin ng presentasyon at pagtalakay si Engr. IV Cristy Cecilia Polido, Chief ng Programs and Project Management Division (PPMD) ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural and Fisheries Engineering (DA-BAFE) at si Engr. II Ronald Melvin Rosas patungkol sa approved national guidelines sa fuel assistance para sa mga magsasaka.
Samantala, nagbahagi naman ang DA Information and Communications Technology Service (ICTS) tungkol sa ICTS/Intervention Management Platform (IPM) matters sa mga kwalipikadong benepisyaryong magsasaka, database, at fuel process updates.
Ang Universal Storefront Services Corporation (USSC) operations head na si Jonathan Relucio, ay nagbahagi ng mga nagawa nila para sa data preparation ng card issuance patungkol sa active fuel merchant at merchant system.
Ibinahagi naman ni Agriculturist II Engr. Arwen Lacanilao ang presentasyon at pagtalakay sa Drafted Supplemental Regional Guidelines para sa implementasyon ng fuel assistance sa Gitnang Luzon.
Photo: Department of Agriculture