| Contact Us

DA Region 3 nagsagawa ng soil analysis sa bayan ng San Miguel

Mon Lazaro July 18, 2023 at 05:55 PM

SAN MIGUEL, Bulacan –Nagsasagawa ng on-site soil analysis ang Regional Soils Laboratory ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon sa bayan na ito nitong nakaraang araw ng Biyernes.

Ginamit sa soil analysis Sa nasabing bayan ang soil test kit (STK) para masuri ang mga kemikal na katangian ng lupa.

Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa mga magsasaka upang makagawa ng simple at abot-kayang pagsusuri ng lupa nang hindi kailangan ng sopistikadong laboratoryo o espesyal na pagsasanay.

Nakakapagbigay gabay rin ito sa paggamit at pagpili ng pataba para sa lupang sakahan o taniman para mapataas ang produksiyon ng kanilang aanihin na mga pananim.

Sa pamamagitan ng soil analysis ay malalaman ng mga magsasaka kung ang kanilang lupang sakahan ay may sapat o kakulangan na sangkap para sa mga macro nutrients na nitrogen, potassium o phosphorous.

Kapag napag-alaman na nila ito ay malalaman na nila kung gano karaming fertilizer tulad ng urea, 16-20 o kaya 14-14-14 ang kanilang ilalagay sa kanilang lupang sakahan at kung gano rin karaming organic fertilizers Ang kailangan ng kanilang lupa para magkaroon ng masaganang ani.

Ang pagsasagawa ng soil analysis sa mga lupang sakahan sa bayan ng San Miguel ay nasa ilalim ng programa ng Regional Mobile Soils Laboratory.

Photo: DA Region 3

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last