| Contact Us

Dalawa nahuli sa unang araw ng gun ban sa Bulacan

Mon Lazaro August 30, 2023 at 04:25 PM

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Dalawang indibidwal ang nahuli sa unang araw ng Comelec gun ban sa Bulacan nitong Agosto 29 taong kasalukuyan.

Base sa mga ulat na nakarating kay Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, nakilala ang dalawa na sina Hipolito Baltazar Jr. at Romano dela Cruz.

Si Baltazar ay nakasakay sa isang motorsiklo nang pinahinto siya sa isang Oplan Sita operation sa Barangay Santol sa bayan ng Balagtas.

Tinangka pa niyang tumakas ngunit makalaunan ay nahuli rin at nakumpiska sa kanya ang Isang kalibre .45 na baril, plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at ang motorsiklo na gamit niya.

Si Dela Cruz naman ay nahuli sa Lungsod ng San Jose del Monte matapos na may nakaalitan siya na tinutukan niya ng baril.

Sa pagresponde ng mga operatiba ng pulisya ay naabutan siya at nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .22 na baril na mayroong tatlong bala

Photo: Bulacan Police Office

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last