| Contact Us

Dialysis Center sa Sta. Maria, Bulacan, malapit nang matapos

Mike Manalaysay October 17, 2022 at 01:42 PM

Malapit nang matapos ang itinatayong Dialysis Center sa munisipalidad ng Sta. Maria sa Bulacan.

Ayon kay George Santos, District Engineer ng DPWH Bulacan 2nd District, halos nobenta porsiyento na ang natapos sa konstruksyon ng health facility.

“I am pleased with the progress of the project which is now 89% complete. But we are aware of the importance of this facility to dialysis patients living in Sta. Maria and nearby areas in the 6th district of Bulacan hence, the assigned project engineer has been instructed to speed up the construction process,” paliwanag ni Santos.

Ayon pa sa Department of Public Works and Highways Regional Office III, ang isang palapag na Dialysis Center ay may total floor area na 788 square meters at kasya ang tatlumpu’t apat na pasyente. Nagkakahalaga ng P19 million ang pagpapagawa sa pasilidad.

Dagdag pa ni Santos, malaking tulong at ginhawa para sa mga taga-Sta. Maria at kalapit na bayan kapag nagbukas na ito.

“Once the dialysis center opens, patients no longer need to travel to other municipalities for their treatment thus providing convenience to them as well as their companions.”

Nagsimula ang konstruksyon ng health facility noong March 2022 at nagmula ang pondo sa 2022 General Appropriations Act.

Photo: DPWH Regional Office III

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last