DPWH lumagda ng MOA para sa pagpapaayos ng Tabe Service Road sa Guiguinto
Mon Lazaro June 6, 2023 at 09:22 PMNilagdaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region III ang isang Memorandum of Agreement para sa pagpapaayos ng Tabe Service Road sa bayang ito nitong Lunes, June 5.
Nakipagkasundo ang DPWH sa lokal na pamahalaan ng Guiguinto, NLEX Corporation at sa Toll Regulatory Board para maisaayos ang Tabe Service Road sa pamamagitan ng dalawang komprehensibong improvement plan.
Sa unang yugto ay bibigyang prayoridad ang upgrading ng Tabe Service Road sa pamamagitan ng connectivity at accessibility para sa mga residente ng Barangay Tabe sa bayan ng Guiguinto kasama na ang papunta sa munisipyo ng nasabing bayan.
Ang pangalawang yugto naman ay ang pagdurugtong ng Tabe Service Road sa NLEX Balagtas Interchange.
Ito ay magbibigay daan tungo sa “improve overall transportation infrastructure, facilitating smoother mobility, and providing easier access” sa lokal na komunidad.
Ang lumagda sa nasabing MOA ay sina Guiguinto Mayor Agatha Cruz; Bulacan 5th District Rep. Ambrosio “Boy” Cruz, Jr.; DPWH Region III Asst. Regional Director Melquiades Sto. Domingo na kumatawan kay DPWH Regional Director Roseller Tolentino; Toll Regulatory Board Executive Director Alvin Carullo; at NLEX Corporation president and general manager J. Luigi L. Bautista .
Photo: DPWH