| Contact Us

Dr. Yanga’s Colleges Inc. nakagawa ng mga nursing board topnotcher

Mon Lazaro June 10, 2023 at 09:32 PM

Isang mag-aaral na nakapagtapos sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. (DYCI) sa bayan ng Bocaue ang naging topnotcher sa April 2023 Philippine Nurses Special Professional Licensure Examination.

Ito ang kinumpirma sa ARKIPELAGO NEWS BULACAN ni Michael Yanga, presidente ng DYCI.

Kinilala ni Yanga ang kanilang nursing board topnotcher na si Czarina Gomez. Nagtapos si Gomez sa DYCI noong taong 2007 at nagtatrabaho na ng 16 na taon sa United Arab Emirates bilang dental assistant sa Ambulatory Healthcare Services – Al Ain Dental Center Al Ain, Abu Dhabi. Samantala, ipinagmalaki rin ni Yanga si Nikka Parulan na nagtapos rin sa kanilang pamantasan noong nakaraang taon at naging top 3 sa November 2022 nursing board examination. Kasalukuyang nagtatrabaho si Parulan sa isang ospital sa Pampanga at nagplaplano na rin siyang magtrabaho sa ibang bansa sa nalalapit na panahon. Buong pagmamalaki pa na sinabi ni Yanga na, “These results are a testimony to the hard work and intellectual prowess of our students and faculty members at the College of Health Sciences of the school.” Photo: Philippine Nurses Association (UAE chapter) at DYCI

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last