Edukasyon sa lungsod ng Malolos, pinalakas ang kaalamang teknikal
Angelo Calixtro February 14, 2026 at 07:16 PM
Isinagawa ng City of Malolos Schools Division Office (SDO-Malolos) ang apat na araw na Capacity Building mula Pebrero 10–13, 2026 sa Paradise Resort and Hotel bilang bahagi ng pagpapalakas ng digital at teknikal na kakayahan ng mga guro.
Sa ilalim ng Learning Resource Management and Development System at sa pangunguna ni Paul Anthony B. Mendoza, Education Program Supervisor, nakatuon ang pagsasanay sa paglikha ng Video Learning Materials.
Inalalayan ito ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng Malolos City Information Division, kung saan nagbigay ng multimedia training si Regemrei Bernardo, City of Malolos Information Division Head.
Lumahok ang 50 guro mula sa 10 distrito, 10 Public Schools District Supervisors, at 10 EduCreators ng SDO-Malolos. Saklaw ng training ang video production basics, voice recording, post-production, video at podcast editing.
Ipinamalas ng mga guro ang pagiging malikhain at kahandaang yakapin ang makabagong pagtuturo—patunay ng patuloy na pagsisikap ng SDO-Malolos na maghatid ng epektibo at napapanahong edukasyon sa Lungsod ng Malolos.
📷 Malolos City Information Office FB