P476k halaga ng shabu nasamsam sa San Jose Del Monte; Suspek arestado
Arkipelago News Bulacan January 12, 2026 at 06:24 PM
LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Arestado ang isang drug suspect matapos makumpiskahan ng tinatayang ₱476,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte City noong hapon ng Enero 10.
Batay sa ulat ni PLt. Col. Reyson Bagain, hepe ng SJDM City Police, narekober mula sa suspek ang tatlong plastic sachet ng ilegal na droga at marked money. Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PCol. Angel Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police, ang tagumpay na ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pulisya upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong lalawigan.
📷 Bulacan Police Provincial Office FB