Estudyante nasawi sa loob ng St.Paul College of Bocaue
Mike Manalaysay September 1, 2023 at 12:22 PMBocaue, Bulacan — Isang Grade 5 pupil ang namatay sa loob ng St. Paul College of Bocaue (SPCB) na matatagpuan sa Barangay Igulot ng naturang bayan. Ayon sa ipinadalang mensahe sa Arkipelago News Bulacan ng isang impormante, misteryoso para sa kanila ang pagkamatay ng bata.
Saad ng impormante, nangyari ang insidente sa loob ng St. Paul nitong August 31, 2:00 pm hanggang 3:00 pm, habang isinasagawa ang pangwakas na programa para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Base sa kahilingan ng impormante, hindi namin ibubunyag ang kanyang pangalan.
Sa ipinadala niyang litrato, makikita ang isang batang karga ng isang lalaki at hinahawakan ang kanyang mukha ng isa pang lalaki na nakasuot ng barong.
“That was the child when she was discovered outside the gymnasium,” saad niya.
“Some were saying the kid died because of a live wire near the gym’s comfort room. But some were saying it’s due to cardiac arrest,” ayon pa sa impormante.
Dinala raw ang bata sa St. Paul Hospital matapos siyang matagpuan.
Sa ipinadalang screenshot ng isang komento sa isang post ng The SPCB Student Coordinating Team Facebook page, makikita ang pagnanais ng nagkomento na malaman kung ano talaga ang nangyari sa bata. Burado na ang comment na ito sa ngayon.
“Please address the issue of the kid who died a while ago at the puddle near the electric generator. Please take responsibility for the issue and don’t keep the issues a secret that will be forgotten,” ayon sa nagsulat.
Dagdag pa ng impormante, hindi naglabas ng pahayag ang SPCB kung ano ang tunay na nangyari sa bata.
“The school is not releasing any official statement and we as parents are worried for our own kids as well. We do not know what really happened to the child and if our kids are still safe to go to this school… as a parent po kasi parang di ako mapapakali unless we know what really happened sa bata,” aniya.
Sa inilabas na pahayag ng SPCB nitong August 31, sinuspindi ang klase sa lahat ng antas ngayong September 1 bilang pagluluksa sa pagkamatay ng bata. Sinabi rin sa pahayag ang pangalan ng nasawi.
“St. Paul College of Bocaue will observe a day of grieving tomorrow, September 1, 2023, as we honor the life of our student, Rhianna Dahl Santos. As such, classes at all levels are suspended,” ayon sa SPCB.
Isang misa ang idinaos para ipagdasal ang estudyanteng binawian ng buhay.
“Our Paulinian community extends its heartfelt condolences and prayers to the family and friends of Rhianna,” pagwawakas ng statement.
Pero ayon sa impormante, hindi nakatulong ang pahayag na ito para mawala ang pag-aalala niya.
“But no statements whatsoever as to what really happened to the child. Considering the child’s body was found within campus,” saad pa niya.
Nagpadala na ng mensahe ang Arkipelago News Bulacan sa St.Paul College of Bocaue para hingin ang kanilang panig tungkol sa insidente. Hinihingan na rin namin ng pahayag ang pamunuan ng Bocaue Police tungkol dito. Ilalabas namin ang kanilang sagot kapag natanggap namin.