Grand launch ng KADIWA sa Bulacan ni Pangulong Marcos nakabenta ng P550,734
Mon Lazaro July 21, 2023 at 09:06 PMLUNGSOD NG MALOLOS — Umabot sa halagang P550,734 ang naging benta ng “Grand Launching” kamakailan ng Katuwang sa Diwa at Gawa Para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulong Bongbong Marcos sa bakuran ng Kapitolyo ng Bulacan.
Base sa inalabas na pahayag ng Provincial Public Affairs Office ng Bulacan, may 39exhibitors sa Bulacan ang lumahok sa nasabing programa ng KADIWA na ikinasa ni Gob. Daniel Fernando katuwang ang Provincial Administrator’s Office, Provincial Agriculture Office at Provincial Cooperative and Enterprise Development Office sa pakikipagtulungan ng DTI, DSWD, DOLE, NFA at DILG,.
Namakyaw rin ang gobernador ng mga paninda sa KADIWA para sa mga dumalong miyembro ng Mother Leaders, Lingkod Lingap sa Nayon, mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Barangay Health Workers.
Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong Marcos ang pagpirma samemorandum of agreementpara sa pagtatatag ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa sa pamamagitan ngZoom conferencekung saan 82 iba pang lalawigan at 16 na munisipalidad sa bansa ang nakiisa sa sabayang pagsasagawa ng mga aktibidad ng KNP.
Ang Kadiwa ng Pangulo ay isangdirect-to-consumer marketing strategyna kapwa sinusuportahan ang mga magsasaka at mga mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng makatarungang kita sa mga magsasaka habang nag-aalok ng mga mura at abot-kayang produkto sa publiko.
Photo: Gov. Daniel Fernando FB