Groundbreaking ceremony ng Bocaue Cultural Hub, isinagawa
Mike Manalaysay November 23, 2024 at 01:26 AM![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/11/Ark-Feature-IMG-4-2-1024x576.png)
BOCAUE, BULACAN — Isang makasaysayang araw ang naganap sa bayan ng Bocaue nitong Nobyembre 22, sa pagsisimula ng konstruksyon ng Bocaue Cultural Hub—isang proyektong magtatampok ng sining, kultura, at tradisyon ng mga Bocaueño.
Pinangunahan ni Mayor Jonjon Villanueva ang groundbreaking ceremony. Sa kanyang talumpati, nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga katuwang sa proyekto, kabilang sina Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, mga konsehal ng Team Solid Lingkod Bayan, Senador Joel Villanueva, CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva, at ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Kasama sila sa mga dumalo sa seremonya.
![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/11/viber_image_2024-11-22_18-18-41-827.jpg)
Binanggit ni Mayor Villanueva na ang proyektong ito ay katuparan ng pangarap ng yumaong Mayor Joni Villanueva-Tugna, na nagsimula ng layunin na itaguyod ang mayamang kultura ng Bocaue.
“Ang gusaling ito ang magsisilbing sentro ng mga aktibidad at programang magtataguyod ng ating sining at tradisyon,” aniya Mayor Villanueva.
![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/11/viber_image_2024-11-22_18-20-44-335.jpg)
Inaasahang magiging simbolo ng pagyabong ng sining at kultura sa Bocaue ang itatayong pasilidad, na magsisilbing pook-tagpuan ng mga makabago at tradisyunal na programa para sa komunidad.
“Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang lalo nating ipagmalaki at pagyamanin ang ating mayamang kultura,” dagdag ni Mayor Villanueva.
![](https://arkipelagonews.com/wp-content/uploads/2024/11/viber_image_2024-11-22_18-20-46-531-1024x576.jpg)
Paliwanag pa ng punong bayan, patunay ang proyektong ng pagmamahal ng mga Bocaueño sa kanilang bayan dahil sa patuloy na pag-aangat ng kultura at tradisyon para sa susunod na henerasyon.
📷 Office of Mayor Jonjon Villanueva