Gulayan sa paaralan, pinalalakas sa Bocaue Bulacan
Angelo Calixtro March 31, 2026 at 05:11 PM
BOCAUE, BULACAN — Patuloy na isinusulong ni Mayor Jonjon Villanueva ang kahalagahan ng agrikultura sa mga paaralan sa ilalim ng “Gulayan sa Paaralan Support Program.”
Sa pamamagitan ng programa, nagpamahagi ang lokal na pamahalaan ng iba’t ibang agricultural inputs tulad ng vegetable seeds, seedlings, seedling trays, garden soil, vermicast, at fruit tree seedlings sa mga paaralang may gulayan.
Ayon sa pamahalaang bayan, layunin ng inisyatibo na mahubog ang kamalayan ng kabataan sa kahalagahan ng pagtatanim, wastong nutrisyon, at pangangalaga sa kalikasan.
Dagdag pa rito, inaasahang makatutulong ang programa sa pagpapatibay ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa agrikultura, habang isinusulong ang isang komunidad na may malasakit sa kalikasan at seguridad sa pagkain.
📷 Mayor Jonjon Villanueva FB