House Speaker Romualdez pinasinayaan ang Alagang Tingog Center sa Malolos
Mon Lazaro August 31, 2023 at 03:55 PM
LUNGSOD NG MALOLOS –Naging panauhing pandangal si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagpapasinaya sa Alagang Tingog Center (ATC) sa City Walk Sports Complex sa lungsod na ito nitong araw ng Miyerkules (Agosto 30).
Sinalubong si Romualdez ng mga opisyales ng Bulacan sa pangunguna nina Gob. Daniel Fernando, Mayor Christian Natividad, 1st District of Malolos Congressman Danny Domingo, PAGCOR Chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman Alejandro Tengco at iba pa.
Pinangunahan din ni Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga miyembro ng Jeepney Operators at Drivers Association mula sa lungsod na ito at sa mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Bulakan, Calumpit, Pulilan na nasa Unang Distrito ng Bulacan at mga mag-aaral ng Bulacan State University sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Ang AICS ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Photo: Mon Lazaro