Ikalawang distrito ng Rizal hinati sa tatlo
Arkipelago News April 12, 2021 at 07:18 AMPinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na maghahati sa 2nd district ng Rizal sa tatlong bagong distrito noong March 25. Epektibo na ang batas sa 2022 election. Sa ilalim ng bagong batas ang mga sumusunod na bayan ang bubuo sa tatlong bagong distrito:
Second district
1. Cardona
2. Baras
3. Tanay
4. Morong
5. Jala-jala
6. Pillilia
7. Teresa
Third district
San Mateo
Fourth district
Rodriguez
Inaprubahan ng Senado noong Pebrero ang batas na naghati sa ikalawang distrito ng Rizal. Si Senator Francis Tolentino ang sponsor ng bill.
Ayon sa konstitusyon, ang isang lokalidad na may 250,000 residente ay may karapatang magkaroon ng kinatawan sa Kongreso.
Sa pahayag ni Senator Tolentino, ipinaliwanag niya na ang bagong second district ay may naninirahan na 449,103 katao, ang ikatlong distrito naman ay may populasyon na 252,527 at ang ikaapat na distrito ay may 369,222 na residente.
Kasama ang lalawigan ng Rizal sa NCR plus at nasa ilalim ito ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa April 12 hanggang April 30, 2021.