Inagurasyon ni Bocaue Mayor Jonjon Villanueva
Arkipelago News July 4, 2022 at 04:43 PM
Bocaue, Bulacan

Mayor Jonjon Villanueva pormal nang sinimulan ang kanyang panunungkulan bilang Punong Bayan ng Bocaue noong June 30.

Sa kanyang inagurasyon, pinasalamatan niya ang suporta at tiwalang ibinigay sa kanya ng mga Bocaueño. Puno ng pag-asa ang kanyang talumpati. Kasama sa kanyang binigyang diin na hindi dapat mag-alala o mawalan ng pag-asa ang kanyang mga kababayan dahil malalampasan din aniya ang hirap na nararanasan sa tulong ng Diyos.

Sa kanyang plataporma, nangako si Mayor Jonjon na bibigyan ng solusyon ang mga problemang idinulot ng pandemya tulad ng kawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Inilatag niya ang isang komprehensibong job generation at livelihood program, at pagpapalakas ng social services o tulong sa mamamayan.
Photo: Mayor Jonjon Villanueva Fb page