| Contact Us

Isa pa nalunod sa Bulacan, 237 na barangay apektado pa rin ng baha

Mon Lazaro August 3, 2023 at 07:09 PM

LUNGSOD NG MALOLOS — Isa pang tao ang naiulat na nalunod sa Bulacan samantalang 237 na barangay ang naiulat na apektado pa rin ng tubig baha sa lalawigan.

Base sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan nitong araw ng Huwebes ng umaga, nakilala ang nalunod na si Felicito Santos ng Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas.

Dahil dito, umabot na sa pitong tao ang namatay sa Bulacan dahil sa epekto ng malawakang pagbaha sa lalawigan.

Sa datos ng PDRRMO, ang mga barangay na naapektuhan sa Malolos at San Miguel ay umabot sa tig-28 bawat isa, Calumpit 25, Meycauayan at San Rafael tig-22,Pulilan19, Bulakan 14, San Jose del Monte at Paombong tig-13, Bocaue 11, Balagtas 9, Guiguinto at Baliwag tig-8, Plaridel at San Ildefonso tig-5, Obando 3, Bustos 2, at Angat at Pandi tig-1.

Umabot naman sa 16,324 pamilya ang pansamantalang nakisilong sa ibat-ibang evacuation centers sa buong lalawigan.

Nagkakahalaga naman ng kabuuang P500,000,000 ang halaga ng mga napinsalang imprastraktura sa buong Bulacan.

Photo: Ramon Castro Meneses

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last