Isa sa mga suspek sa pagpatay sa pulis na ibinaon sa septic tank, sumuko na
Angelo Calixtro February 4, 2026 at 08:38 PM
MALOLOS CITY — Sumuko na sa pulisya ang isa sa mga suspek na si alyas “Marvin”, sa pamamaslang kay Police Staff Sergeant Renato Casauay Jr., na natagpuang patay at ibinaon sa isang septic tank sa Malolos, Bulacan.
Nakuha na rin ng mga awtoridad ang motorsiklong pag-aari ng biktima na natagpuan sa bahay ng isa sa mga suspek na si alyas “Jaco”.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang buong detalye at ang posibleng motibo sa likod ng pagpaslang.
Matatandaan na nakita ang bangkay ni PSSgt. Casauay sa isang creek sa Malolos, Bulacan.
📷 Malolos City Police Station