Jeepney drivers at operators sa Malolos dismayado sa SONA ni Pangulong Marcos
Mon Lazaro July 24, 2023 at 10:13 PMLUNSOD NG MALOLOS– Napailing ang mga miyembro ng isang samahan ng mga jeepney driver at operators sa Lungsod ng Malolos na nakapanood ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes ng hapon.
Anila, umaasa sila na mag-aanunsyo Ang Pangulo na patuloy na makakapasada Ang kanilang mga jeepney sa kanila ng jeepney modernization program ng gobyerno.
Pero matapos ang SONA dismayado nila dahil walang binanggit si PBBM kung paano sosolusyunan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng krudo at saan ba talaga tutungo ang programang Jeepney Modernization.
Sa naging pahayag sa mamahayag ni Rogelio Carlos, pangulo ngMaunlad Pinagbakahan Malolos Jeepney Operators and Drivers Association, sa kabuuan ng SONA ay wala itong binanggit patungkol sa usapin ng mga jeepney.
Kabilang na dito ang mabigyan sila ng ayuda sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at kung sa ilalim ng jeepney modernization ay patuloy pa bang tatanggapin ng gobyerno ang single franchise o kung hanggang itong taon na lang talaga makakapasada ang mga tsuper na hindi pa modernized ang kanilang mga jeepney.