Kadiwa nagbukas na sa San Jose del Monte
Randylyn Laurio April 22, 2023 at 05:25 PMInilunsad ang KNP o Kadiwa ng Pangulo sa Barangay Dulong Bayan sa San Jose Del Monte, Bulacan kamakailan. Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa pagsisimula ng proyekto.
Sa Kadiwa mabibili ang iba’t ibang produkto sa abot kayang halaga. Layunin ng proyekto na mailapit at magkaroon ng murang bilihin sa buong bansa. Nais din nitong suportahan ang mga maliliit na negosyo para hindi na kakailanganin pang mag-angkat mula sa ibang bansa.
Nagpasalamat naman ang pangulo sa suportang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte. Sinabi niya na naging matagumpay ang programa dahil sa tulong ng mga opisyal. Nagpahayag din ng kasiyahan si Mayor Arthur Robes sa pagbubukas ng unang KNP sa kanilang bayan.
“Patuloy na susuporta at tutulong ang pamahalaang lokal sa lahat ng mga gawain at programa ng pamahalaang nasyonal na layuning makatugon sa pagpapaganda ng buhay ng mga mahihirap na kababayan hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa,” pahayag niya.
Source: Philippine Information Agency