Kiko Pangilinan at Gov. Daniel Fernando, nagpulong sa Bulacan Capitol
Arkipelago News March 26, 2025 at 10:15 AM
Bumisita sa Bulacan Provincial Capitol nitong Martes, Marso 25, si dating senador Kiko Pangilinan para makipagpulong kay Gobernador Daniel Fernando.
Tinalakay ni Pangilinan ang Sagip Saka Act, isang batas na kanyang inakda na naglalayong palakasin ang kita ng mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng direktang pag-uugnay sa kanila sa merkado. Dagdag pa rito, layunin din ng batas na tiyakin ang mas sariwa at abot-kayang pagkain para sa mga mamamayan.
Binigyang-diin ni Pangilinan ang pangangailangan ng mga konkretong solusyon para patatagin ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng punong lalawigan. Tumatakbong senador si Kiko Pangilinan sa darating na halalan sa Mayo.
📷 Kiko Pangilinan FB