| Contact Us

Konstruksyon ng Candaba 3rd Viaduct project sinimulan na

Mon Lazaro June 21, 2023 at 09:56 PM

Sinimulan na nitong araw ng Miyerkules ang konstruksyon ng P7.89-billion na limang kilometrong Candaba 3rd Viaduct na babagtas sa North Luzon Expressway sa pagitan ng Pampanga at Bulacan.

Sinimulan ang konstruksyon sa pamamagitan ng isang groundbreaking ceremony sa bahagi ng Barangay Dulong Malabon sa bayan ng Pulilan.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Alvin Carullo, Pampanga Gov. Dennis Pineda, Bulacan Gov. Daniel Fernando na kinatawan ni Vice Gov. Alex Castro, DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino, Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President Rogelio Singson, at NLEX Corporation President J. Luigi L. Bautista.

Tinatayang matatapos ang nasabing proyekto, na gagawin sa pagitan ng kasalukuyang north at south bounds Candaba Viaduct, sa buwan ng Nobyembre sa isang taon.

Ang Candaba Viaduct project ay bahagi ng Build-Better-More Infrastructure Program ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Itatayo ang 3rd Candaba Viaduct sa gitna ng 50 taong gulang na northbound at southbound viaducts na ipinatayo sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, kapag natapos ang proyekto ay giginhawa and daloy ng trapiko sa NLEX sa pagitan ng Pampanga at Bulacan.

Sinabi pa ni Romualdez na, “This project will not only enhance the efficiency of our transportation network but also contribute to the overall socioeconomic development of the region. It will create jobs, attract investments, and stimulate economic growth.”

Ipinaliwanag naman ni MPTC President Rogelio Singson na ang nasabing proyekto ay mapapataas ang kapasidad ng 5-km Candaba Viaduct at mapapaginhawa nito ang biyahe ng mga motorista na babagtas sa lugar. Makakatulong din aniya ito sa mabilis na paglago ng kalakalan sa Gitnang Luzon.

Ipinaliwanag naman ni NLEX Corporation President J. Luigi L. Bautista na,“This new mobility project will offer easy journeys and make travel safer for the public traveling between Metro Manila and Central and North Luzon as there will be a new structure to augment the existing ones and will safely allow the speed limit to increase from 60 to 80 kilometers per hour from the current 40 to 60 kilometers per hour.” Idinagdag pa niya na “upon completion, Class 3 vehicles or large trucks will be directed to the new bridge so that the old structures will be relieved of heavy loads.”

Photo: Mon Lazaro

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last