Lalake inatake ang lady cop, nabaril at napatay matapos manunog ng restobar
Mon Lazaro July 18, 2023 at 02:42 PMCAMP GEN. ALEJO S SANTOS, Bulacan — Isang 54 taong gulang na lalake ang nabaril at napatay ng Isang babaeng pulis na inatake nito matapos silaban ang restobar nito sa Lunsod ng San Jose del Monte nitong araw ng Lingo.
Base sa ulat na nakarating kay Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, nakilala ang napatay na si Marcial Tinguha at Ang pulis na babae na si Police Senior Master Sergeant Jacklyn Fraulen Salboro na nakadestino sa Bulacan Police Provincial Office at Siya ring may-ari ng Charcoal’s Tambayan and Musikahan sa Barangay Narra sa nasabing lunsod.
Sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na pinuntahan ni Tinguha ang kanyang asawa na si Esterlita na nagtratranaho sa nasabing restobar pasado alas otso ng umaga para humingi ng pera ngunit walang naibigay na pera.
Dahil dito uminiit ang ulo ng suspek at sinaktan ang kanyang asawa at sinubukan pa na ingudngud sa kalan ang mukha ng babae hanggang sa makawala ito at mabilis na tumakbo sa bahay ng amo nito na nasa likod lamang ng restobar.
Dahil dito sinunog ni Tinguha ang restobar ni Salboro at sinundan nito ang kanyang misis hanggang nakita nito si Salboro at tinangkang saksakin ng kutsilyo ngunit nasalag ito ng pulis ngunit nagawa Naman siyang sakalin ng suspek.
Habang sinasakal ang pulis, nagawa ni Salboro na bunutin ang baril nito at pinaputukan ang suspek at napatay.
Samantala nagawa naman ng mga bumbero na apulahin ang sunog sa restobar matapos ang isang oras na sumunog sa tinatayang tatlong milyon halaga ng ari-arian.
Sumuko naman sa San Jose Del Monte City Police Station si Salboro at isinuko rin Ang kanyang baril.