Libreng Mobile Gamutan umarangkada sa San Ildefonso, Bulacan
Mike Lopez February 10, 2026 at 03:58 PM
San Ildefonso, Bulacan — Umarangkada na ang libreng Mobile Gamutan na handog ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong ilapit ang serbisyong medikal sa mga mamamayan sa iba’t ibang barangay.
Ilan sa mga serbisyong medikal na ito ay libreng check-up, libreng gamot, at laboratory examinations.
Matagumpay na isinagawa ang mobile gamutan sa pangunguna ng Office of the Municipal Health Officer, sa pamumuno ni Dr. Reginell Nunez, katuwang ang Office of the Municipal Nutrition Action Officer na pinamumunuan ni Eunice Vanguardia.
Ayon sa pamahalaang lokal, magpapatuloy ang programa sa iba’t ibang barangay upang mas maraming residente ang makinabang sa libreng serbisyong pangkalusugan.
📷 Mayor Gazo Galvez FB