Libreng online concert ni Atty. Jem Sy ng Marilao
Arkipelago News September 11, 2021 at 05:35 PMMay libreng online concert ang abogadong si Atty. Jem Sy para sa kanyang mga kababayan sa Marilao.
Ayon sa kanyang Facebook post, ang online concert ay bilang selebrasyon ng kanyang ika-apatnapung taong kaarawan.
Libre itong mapapanood sa Facebook page ni Atty. Jem sa Linggo, September 12, 5:00pm.
Tampok ang sikat na bandang Silent Sanctuary, at iba pang mang-aawit tulad nina Julia Bondos, Neil Enriquez, at Jonas Orate.
Bukod sa libre ang palabas, maaari ring manalo ng mga papremyo ang mga manonood tulad ng gift certificate sa Las Casas Filipinas de Acuzar, cash, load, beauty products, cellphone at iba pa.
Simple lang ang kailangang gawin para magkaroon ng tsansang manalo-
I-like at i-share lang ang Facebook page ni Atty. Jem Sy.
https://www.facebook.com/AttyJemSyOfficial
Pwede rin daw magdonate ang sinuman at ang pondong malilikom ay ibibigay sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa Barangay Poblacion.
Makikita ang buong detalye ng online concert sa Facebook page ni Atty. Jem Sy.
Photo courtesy of Atty. Jem Sy Fb Page