Malolos LGU tinalakay ang paghahanda para sa tag-ulan at El Niño
June 22, 2023 at 09:27 PMTinalakay sa 2nd Quarter City Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang kanilang preparasyon at paghahanda ngayong panahon ng tag-ulan at papasok na El Niño.
Ang ginawang pagpupulong ay pinangunahan ni City Administrator at Vice Chairperson Joel Eugenio, katuwang si Kathrina Pia Pedro (CDRRMO Division Head) nitong araw ng Huwebes, ika-22 ng Hunyo.
Tinalakay ni Pedro ang mga paghahanda at update sa El Niño pati na rin ang Climate Outlook, LDRRMF Utilization Report, Preparation For The Rainy Season, Ammendment Of The CDRRMC Membership, Formulation of Evacuation Camp Management Plan at GAWAD KALASAG 2023.
Ayon pa kay Pedro, layunin ng CDRRMO na mas pataasin ang kamalayan at lumikha ng mga IEC Materials patungkol sa El Niño para sa mga mamamayan ng Lungsod ng Malolos.
Idinagdag naman ni City Agriculturist Dr. Romeo Bartolo na ang El Niño Task Force ay may planong magsagawa ng augmentation at substitute livelihood bilang paghahanda sa darating na El Niño.
Nailahad din ang mga sumusunod na paghahanda para sa Rainy Season.
- Community Based Flood Mitigation and Management Program (CBFMMP) na naglalayong magbigay impormasyon at babala bago at habang may pagbaha.
- Flood Warning IEC o mga informational signages sa mga kitang lugar.
- Modernization of Flood Monitoring System para sa epektibo at mabilis na paraan ng pagkalat ng balita ukol sa water levels at kondisyon ng panahon.
- Capacitating the Local Response Team para sa dagdag equipments at rescue vehicles at pagbibigay training sa mga CSO at VG ng Malolos.
Suhestyon naman ni City Administrator Eugenio, maisama sa pagpaplano ng CDRRMC members ang Meralco, Prime Water at PLDT sa kadahilanang sila ang pangunahing naaapektuhan sa panahong ng kalamidad.
Naging bahagi rin ng pagpupulong ang usapin sa pagpasa ng City of Malolos sa Regional Desk Evaluation For Local Disaster Risk Reduction and Management Council and Office Category at sasailalim sa Regional Field Validation sa ika-17 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Photo: Mon Lazaro