Malolos SSS nagsagawa ng Run After Contribution Evaders campaign
Mon Lazaro July 8, 2023 at 08:41 PMNagsagawa kamakailan ang Social Security System (SSS) Malolos branch ng kanilang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign.
Ang kampanya ay isinagawa para
makakolekta ng P2.09 milyon sa mga kompanyang delingkwenteng magbayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado sa nasabing ahensya.
Walong kumpanya sa bayan ng Calumpit ang pinaalalahahan at hinainan ng written order ng SSS ang mga employer para sa kanilang mga obligasyon para isaayos ang kanilang mga delinquencies sa ahensya.
Ayon kaySSS Luzon Central 2 Division Vice PresidentGloriaCorazonAndrada,may 15 araw ang mga employer para makipag-ugnayan sa kani-kanilang account officer para makasunod sa itinakdang probisyon ng Social Security Law.
Dagdag pa ni Andrada, ang kanilang ginagawang pagbisita sa mga establisyimento ay pagpapaalala sa mga employer ng kanilang obligasyon at paghihikayat na sumunod upang maiwasan na humantong sa pagpa-file ng kaso at pagkaka-aresto.
Nasa 47 na empleyado aniya ang maseseguro ang benepisyo sa tamang pagbabayad ng kontribusyon ng mga employer.
Iniulat naman ni SSS Malolos Branch Head Francisco Lescano na nasa P7.68 milyon ang nakolekta mula sa 21 employer na sumailalim sa nagdaang RACE operation.
Mayroon namang nakolektang P371.33 milyon ang naturang sangay noong Enero-Abril 2023, na mas mataas ng 15 porsyento kumpara sa P322.02 milyong koleksyon noong nagdaang taon.
Photo: SSS