Mas pinadali ang proseso ng pag-aapply ng trabaho sa Marilao
Mike Lopez February 7, 2026 at 12:50 PM
MARILAO, Bulacan — Mas magiging madali na para sa mga Marilenyo ang mag-apply ng trabaho matapos ilunsad ang mas pinasimpleng paraan ng pagsusumite ng resume sa pamamagitan ng mga barangay.
Sa ilalim ng programa, maaari nang magpasa ng resume ang mga aplikante sa kani-kanilang barangay sa pamamagitan ng Barangay Employment Coordinator (BTEC). Ang Public Employment Service Office (PESO) naman ang siyang magfo-forward ng mga aplikasyon sa mga kumpanyang nasa Marilao na tumutugma sa kakayahan at karanasan ng mga aplikante.
Layunin ng inisyatiba na gawing mas mabilis, mas accessible, at mas malapit sa komunidad ang oportunidad sa trabaho para sa mga naghahanap ng hanapbuhay.
📷 Atty. Jem Sy FB