Mayor Jem Sy, dumalo sa pamamahagi ng social pension sa Marilao
Angelo Calixtro April 9, 2026 at 08:11 PM
MARILAO, Bulacan — Personal na dumalo si Mayor Jem Sy sa isinagawang pamamahagi ng cash allowance sa ilalim ng National Social Pension Program para sa ikalawang batch ng mga benepisyaryong indigent senior citizens ng bayan.
Ginanap ang aktibidad noong ika-8 ng Abril 2026 sa Municipal Atrium, kung saan tinanggap ng mga senior citizens ang kanilang benepisyo para sa unang sangkapat ng taon.
Pinangunahan ang nasabing programa ng Municipal Office for Senior Citizens Affairs, na patuloy na nagsusulong ng kapakanan at suporta para sa sektor ng senior citizens.
Layunin ng programa na matulungan ang mga indigent na nakatatanda sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap, habang tiniyak ng pamahalaang bayan ng Marilao ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programang may malasakit sa senior citizens.
📷 MarileNews FB