Mayor Jonjon Villanueva siniguro ang mabilis na tulong sa mga nasunugan sa Barangay Biñang 1st
Mike Manalaysay March 3, 2024 at 03:32 PMInatasan ni Mayor Jonjon Villanueva ang iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue na mabilis na ayusin at ipadala agad ang tulong para sa mga nasunugan sa Sitio Bihonan, Barangay Biñang 1st sa bayan na ito.
Ayon sa direktiba ng punong bayan, nagtungo sa Sitio Bihonan kaninang umaga ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para magsagawa ng assessment sa mga naapektuhan ng sunog at mabilis na matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Nagsagawa rin ng inspeksyon ang kanilang team sa mga kabahayang natupok ng apoy para makita ang kabuuang pinsala. Ayon sa MSWDO, karamihan sa bahay ay totally damage at apektado ang nasa 64 na pamilya.
Sumiklab ang sunog bandang 6:00 ng gabi at tuluyan itong naapula pasado alas-10 ng gabi nitong Sabado, March 2. Nahirapang pumasok sa sitio ang mga bumbero dahil sa makipot na daan. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Siniguro rin ni Mayor Jonjon Villanueva na mabilis at tuloy-tuloy ang ibibigay na tulong ng lokal na pamahalaan at hindi niya pababayaan ang mga nasunugan. Ilan sa kanila ay pansamantalang tumutuloy sa barangay hall ng Biñang 1st.
📷: Office of Mayor Jonjon Villanueva