Mga ambulansiya ipinamahagi sa mga district hospitals at health offices ng Bulacan
Mon Lazaro October 14, 2024 at 03:16 PM
MALOLOS, Bulacan — Namahagi kamakailan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng sampung (10) ambulansya sa iba’t ibang district hospitals at health offices sa lalawigan ng Bulacan.
Base sa ulat ng Provincial Public Affairs Office ng Bulacan, kabilang sa mga tumanggap ng ambulansya ay ang Bulacan Medical Center, Baliuag District Hospital, Emilio G. Perez Memorial District Hospital sa Bayan ng Hagonoy, Gregorio del Pilar District Hospital sa Bulakan, Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Santa Maria, San Miguel District Hospital; Pandi District Hospital, Provincial Health Office-Public Health; at Felix T. Reyes Memorial Hospital.
Samantala, ipinagkaloob kamakailan ng mga delegado mula sa Gyeonggi Province, South Korea sa Barangay Pamarawan sa Lungsod ng Malolos at Calumpit District Hospital ang tig-isang refurbished ambulance.
Ayon Kay Bulacan Gob. Daniel Fernando, ang pagkakaloob ng mga bagong ambulansya sa mga district hospitals ay naglalayong tiyakin ang mabilis at maayos na paghahatid ng serbisyong medikal, lalo na sa oras ng mga emergency.
📷 Provincial Public Affairs Office of Bulacan