NCR Palaro 2024 pormal nang binuksan sa Caloocan; Chinese businessmen nag-donate ng P1 milyon para sa pertussis vaccination; Most wanted arestado
Reggie Vizmanos April 22, 2024 at 03:15 PM
Pormal nang binuksan sa Caloocan Sports Complex ang NCR Palaro 2024 na may temang “Atletang Pinoy ng Pambansang Punong Rehiyon Tunay na Matatag at Kampeon.”
Pinangungunahan ito ng Department of Education (DepEd), at nagsilbi namang host city ang Caloocan.

Tampok sa aktibidad ang iba-ibang sports competition tulad ng Softball, Pencak Silat, Futsal, Basketball, Volleyball, at Tennis. Isasagawa ang Regional Athletic Meet mula April 21 hanggang April 26.

Samantala, nag-donate ng isang milyong piso sa lokal na pamahalaan ng Caloocan ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce, Inc. (FCCCI) para sa pagbabakuna laban sa sakit na pertussis o whooping cough.
Nagpasalamat si Mayor Along Malapitan sa nasabing grupo ng mga negosyante na pinamumunuan ni G.
Romeo Tan bilang presidente.
Nanawagan ang alkalde sa mga magulang ng mga batang edad anim na linggo hanggang 23 buwan, na pabakunahan ang kanilang anak laban sa pertussis sa alinman sa mga health center na pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.
Sa iba pang balita, arestado ng Caloocan City Police Staion (CCPS) ang itinuturing na Most Wanted Person sa lungsod dahil sa kasong pagbebenta umano ng iligal na droga.
Ipinatupad ang warrant of arrest laban sa suspek sa bahagi ng Kaagapay Road, Barangay 176, Bagong Silang.
Ang operasyon ay pinangunahan ng CCPS Warrant and Subpoena Section at ng Police Substation 13.
📷 DepEd FB, Along Malapitan FB