NLEX nagdagdag ng mga CCTV cameras
Mon Lazaro June 18, 2023 at 02:12 PMNagdagdag ang NLEX Corporation ng karagdagang closed circuit television (CCTV) cameras sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at NLEX Connector para lalong mapaigi ang 24/7 traffic monitoring at management.
Kamakailan ay nagdagdag ang nasabing kumpanya ng 12 pa na mga cctv cameras sa kahabaan ng mga nasabing expressway kung saan meron na ang mga ito na kabuuang bilang na 163 cctv camera.
Ang mga cctv cameras ay nakadisenyo para magbigay suporta sa mga traffic at security team ng nasabing tollway company para sa pagmomonitor ng mga real-time situations sa kahabaan ng mga nasabing expressway.
Ang mga ito ay tinututukan ng bente kuwatro oras araw-araw ng mga traffic control specialists na nagmamatyag sa loob ng Traffic Control Center (TCR) ng NLEX Corporation para sa mga real-time traffic update.
Ang TCR ay ang central traffic management system ng mga nasabing expressway na namamahala sa pagtatalaga ng mga patrol crews at emergency response teams sa panahon ng pangangailangan.